Ang pagtatatag ng kooperatiba ay isa sa mga proyekto ni Obispo Serafin E. Ruperto upang makatulong sa pagpapaunlad ng mga kabuhayan ng mga kaanib ng Iglesia Unida sa Anabu. Dahil dito, ang tanggapan ng iglesia ang nagsilbing unang opisina ng samahan. Noong 1976, inilipat ang opisina sa silong ng bahay ng isang kasapi na si Gng. Agapita R. Camet, upang mabigyan naman ng pagkakataong makasapi ang mga nakatira sa pamayanan ng Anabu I, II at Pasong Buaya. Ang ANADECO ay miyembro ng Cooperative Union of Cavite (CUC) at Cooperative Bank of Cavite, Imus Municipal Cooperative Development Council (IMCDC) at Phillipine Federation of Credit Cooperative - Southern Luzon Region (PFCCO - SLR).