Ang Anabu Development Cooperative (ANADECO) ay pinasimulan
noong Marso 16, 1969 sa pamamagitan ng isang kinatawan mula sa Rural
Life Committee ng United Church of Christ in the Phillipines (UCCP).
Siya si G.Jesus Pechera na nagpaliwanag kung paano ang pagtatatag
gayundin ang mga kabutihan at kapakinabangang naibibigay ng samahang
kooperatiba.
Pagkatapos ng tatlong linggong pag-aaral, itinatag at inihalal ang unang pamunuan mula sa 32 kasapi noong Abril 6, 1969 kasabay ang paghuhulog ng mga unang kasapi ng saping puhunan na P 50.00 bawat isa.
Ang pagtatatag ng kooperatiba ay isa sa mga proyekto ni Obispo Serafin E. Ruperto upang makatulong sa pagpapaunlad ng mga kabuhayan ng mga kaanib ng Iglesia Unida sa Anabu. Dahil dito, ang tanggapan ng iglesia ang nagsilbing unang opisina ng samahan. Noong 1976, inilipat ang opisina sa silong ng bahay ng isang kasapi na si Gng. Agapita R. Camet, upang mabigyan naman ng pagkakataong makasapi ang mga nakatira sa pamayanan ng Anabu I, II at Pasong Buaya.
Dahil nakatupad sa mga pangangailangan ng Presedential Decree 175 kaya napatala ito bilang mala-kooperatiba sa pangalang Anabu Cooperative Union Inc. noong Oktubre 21, 1976 sa Bureu of Cooperatives Development (BCOD). Naging ganap na kooperatiba noong Mayo 17, 1989 sa pangalang Anabu Credit Cooperative Inc. Kinumpirma ng Cooperative Development Authority (CDA) noong Setyembre 2, 1991 ayon sa tadhana ng Republic Act 6938. Noong Agosto 17, 1995, pinagtibay ng CDA ang bagong pangalan sa tawag na Anabu Development Cooperative (ANADECO) mula s pagiging credit cooperative tungong multi-purpose cooperative.
Maraming mga di mabilang na araw ng pagtitiis upang mapalaki ang samahan. may mga taong di man mabanggit ang pangalan ay walang sawang nagbibigay ng kakayahan at tulong sa pagpapatatag ng ating kooperatiba.
Sa ngayon, ang samahan ay mayroon nang dalawang palapag na gusali at lupa, may siyam napu at walong kawani. Bukod sa pagpapautang at Drug Store, itinatag din ng ANADECO ang Foundation na rehistrado sa ilalim ng Security and Exchange Commission (SEC) na makakatulong sa buong lalawigan sa pamamagitan ng Pharmaceutical Support sa mga botikang barangay sa pakikipagtulungan ng German Technical Cooperation (GTZ) at National Pharmaceutical Foundation (NPF).
Naging manager si Gng. Rosalina S. Dela Cruz, 1991-2004; si G. Miguel L. Ligon, 2005-2007; officers in-charge: G. Gonzales, 2004; Ptr. Noel Purificacion, 2005; Gng. Lolita L. Ruperto, 2008-2011.
Ang ANADECO ay miyembro ng Cooperative Union of Cavite (CUC) at Cooperative Bank of Cavite, Imus Municipal Cooperative Development Council (IMCDC) at Phillipine Federation of Credit Cooperative - Southern Luzon Region (PFCCO - SLR).